Comelec tatalima sa desisyon ng Kamara sa pagpapaliban ng BSKE

Comelec tatalima sa desisyon ng Kamara sa pagpapaliban ng BSKE

August 16, 2022 @ 5:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Susunod ang Commission on Elections (Comelec) sa mandato ng Kongreso na ipagpaliban ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Nilinaw ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na kinikilala ng poll body ang kapangyarihan ng Kongreso na ipagpaliban ang halalan at palawigin ang termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan. Ang pahayag ay ipinarating sa pulong ng organisasyon ng House of Representatives Committee on Suffrage and Electoral Reforms (CSER), sa pamumuno ni Mountain Province Lone District Representative Maximo Dalog, Jr.

Higit pa rito, hiniling ni Chairman Garcia sa mga miyembro ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms na kumilos nang mabilis sa paggawa ng batas kung ipagpapaliban ang BSKE o hindi, kasama ang huling petsa kung kailan magpapasya ang Mababang Kapulungan na gaganapin ang BSKE.

“Kami po sa Comelec, we will just abide by the mandate of Congress and the Executive as far as postponing the election is concerned, whether it be May of 2023, December of 2023, huwag naman pong 2024 because by that time, we will be preparing for the 2025 elections.”

Isang bagong batas ang magbibigay sa Comelec ng tumpak na direksyon sa mga susunod na hakbang na gagawin ng Constitutional body, na kinabibilangan ng pagpapatuloy ng rehistrasyon ng botante o pagpapahinto sa patuloy na paghahanda para sa dapat na botohan sa Disyembre ng taong ito.

“We were given P8.449-B as the budget for the Barangay and SK elections. As of today, we have spent only P800,000 oit of that money. But, in the next few days, weeks or months, we will be spending from that money because we will now start with our procurement as well as the printing of the ballots. And that’s where the urgency lies.” ayon sa Comelec. Jocelyn Tabangcura-Domenden