Comelec teams tutulak sa Maguindanao sa Sept. 14-16 para sa plebisito

Comelec teams tutulak sa Maguindanao sa Sept. 14-16 para sa plebisito

September 13, 2022 @ 1:39 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tutulak sa Maguindanao ang iba’t ibang team ng Commission on Elections (Comelec) mula Setyembre 14 hanggang 16, 2022.

Ang pagboto ng plebisito sa Setyembre 17, 2022 ay magsisimula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Ayon sa Comelec, ang plebiscite period ay nagsimula noong Agosto 16 hanggang Setyembre 24 taong kasalukuyan.

Kabilang dito ang 508 barangay, 818,790 registered voters, 4,601 established precincts, 1,669 clustered precincts at 467 voting centers.

“We expect Plebiscite Results within September 18, 2022. As to the time, that is dependent on the transmittal of the Plebiscite Returns (from the Plebiscite Committees) to the Plebiscite Board of Canvassers,” ayon sa Comelec.

“This is merely a Plebiscite to ratify RA 11550 and not a National and Local Elections. No results will be transmitted to the NBOC and therefore no need to convene the National Board,” dagdag nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden