Comelec tiniyak na walang lockdown sa botohan

Comelec tiniyak na walang lockdown sa botohan

January 28, 2022 @ 5:06 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pinawi ng Commission on Elections (Comelec) ang takot ng publiko sa posibleng lockdown sa COVID-19 pandemic sa araw ng botohan.

Tiniyak naman ni Comelec commissioner Marlon Casquejo kay  Deputy Speaker Bernadette Herrera Dy na walang posibilidad ang pagpapatupad ng local government units (LGU) ng lockdown sa mismong araw ng Eleksyon 2022.

“On election day there will be no lockdowns because it maybe used just to disenfranchise voters,” ani Casquejo sa Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System (JCOC-AES) hearing.

Paliwanag ni Casquejo, hindi pwedeng magdesisyon ang LGUs tungkol sa election-related matters.

“It will be the Comelec who has the final say regarding that one,” dagdag pa ni Casquejo.

Nakatakda naman ang national at local election sa Mayo 9. RNT/FGDC