Comelec umaasang makapagtatala ng mataas na voter turnout sa Ormoc plebiscite

Comelec umaasang makapagtatala ng mataas na voter turnout sa Ormoc plebiscite

October 8, 2022 @ 3:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umaasa ang Commission on Elections o Comelec na ang voter turnout sa plebisito ng Ormoc na ginanap ngayong Sabado, ay malampasan ang bilang na nakamit sa plebisito sa Maguindanao noong Setyembre 17.

Sa isang press conference, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na may 83.4 percent voter turnout ang plebisito sa Maguindanao.

Layunin ng plebisito na lutasin ang tanong kung sang-ayon o hindi sang-ayon ang mga botante na hatiin ang Maguindanao sa dalawang lalawigan, ayon sa itinatadhana ng Republic Act No. 11550.

Gayunman, nilinaw niya na hindi ito kompetisyon kung sino ang makakuha ng mataas na voter turnout pero para sa kapakanan ng Local Government Unit (LGU) at ang mga tao kung marami ang lalahok sa nasabing plebisito.

“The election is not only the business of the Comelec, election is the business of everyone,” sabi ni Garcia

“We are hoping that it is more than the majority of the number of votes Involved. So kung 10,000 ‘yan, hopefully more than 5,000 man lang ang bumoto sa araw na ito,” dagdag pa ni Garcia.

Ang Oct. 8, 2022 plebisito ay naglalayong pagtibayin ang pagsasanib ng 28 barangay sa tatlong barangay, at natitirang isang barangay, lahat sa Ormoc City.

Ayon kay Garcia, base sa kanyang assessment, lahat ito ay magkakabisa pagkatapos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

“What will happen today, will definitely be a trigger on the succeeding days, weeks, and months on what the Local Government Unit LGU of Ormoc will be doing to prepare everything before the BSKE,” sabi pa ni Garcia.

Binuksan ang mga lugar ng botohan mula alas-7 ng umaga at hanggang alas-3 ng hapon na susundan agad ng pagbibilang ng mga boto. Jocelyn Tabangcura-Domenden