Comelec: Voter registration para sa BSKE ‘di palalawigin

Comelec: Voter registration para sa BSKE ‘di palalawigin

July 21, 2022 @ 1:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Walang plano ang Commission on Elections na palawigin pa ang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre 2022.

Ayon kay Commissioner Aimee Ferolino, inanunsyo nang maaga ng poll body ang registration dates at nagbukas ng mga satellite sites sa mga mall upang masiguro na maraming makapagparehistro.

Ani Ferolino, sa ngayon wala pang plano pero titignan pa rin aniya kung kakailanganin at kung kakayanin pa ng mag-extend.

Ginawa ni Ferolino ang pahayag nang bisitahin ang satellite registration center sa isang mall sa Baguio City na bagamat dagsa ang tao ay smooth naman ang takbo ng registration.

Sa kabila nito, pinaghahandaan ng Comelec ang inaasahang oagdagsa o buhos ng mga registrants sa huling araw ng voter registration sa Hulyo 23.

Ikinatuwa naman ng Comelec ang malaking turnout para sa mga bagong aplikante , na lumagpas sa orihinal na target na isang milyon para sa BSKE. Jocelyn Tabangcura-Domenden