Comelec walang natatanggap na reklamo galing PPCRV

Comelec walang natatanggap na reklamo galing PPCRV

May 10, 2022 @ 2:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Walang natatanggap na reklamo mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), ang citizens’ arm ng Commission on Elections’ (Comelec), ukol sa poll results, ayon kay Commissioner George Garcia nitong Martes.

Sinabi ni Garcia na kinakailangan lamang ikumpara ng PPCRV ang mga datos upang masuri kung tama ito.

“There is one way to prove the accuracy of the results as transmitted. [PPCRV] will just compare the hard copies of the [election returns] as collected nationwide with the results per precinct from the transparency server. As of today, we have not received any complaints from our citizens arm,” paglalahad ni Garcia.

Batay sa partial and unofficial tally, si former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nangunguna sa presidential race na may 30,690,016 boto hanggang nitong alas-10:02 nitong umaga.

Sinundan siya ni Vice President Leni Robredo na may 14,643,910 boto. RNT/SA