Comelec walang nilabag na batas sa pag-imprenta ng balota

Comelec walang nilabag na batas sa pag-imprenta ng balota

January 26, 2022 @ 9:55 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Walang nilabag ang poll body sa anomang batas sa pagpapatuloy ng pag-imprenta ng mga balota para sa Eleksyon 2022 kahit na may mga nakabinbing petisyon na kumukuwestiyon sa mga desisyon ng Comelec kung sino ang dapat sa balota, sabi ng Commission on Elections.

Ginawa ni Comelec spokesperson James Jimenez ang pahayag matapos maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining orders (TRO) sa mga desisyon ng Comelec na nagde-delist sa mga party-list group at iba pang national candidates.

Nakatakda sa May 9 ang national at local elections 2022.

“Some of the TROs were received after the serialization of ballots was completed. The ballots were essentially marked at that point with [a] serial number. The only thing left to do at that point was to print,” ani Jimenez.

“There was no defiance [of any ruling or law]. Now, this was the decision of the [Comelec] En Banc to go ahead with the printing, and that is the decision we are following right now. If there is a ruling from the Supreme Court [to stop ballot printing], then the Comelec stands ready to abide by the lawful ruling of the Supreme Court,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Jimenez na ang Korte Suprema ay naglabas ng kahalintulad na TRO sa Comelec Resolutions noong nakaraan kahit pa nag-iimprenta na ang Comelec ng mga balota ngunit hindi kailanman iniutos sa poll body na itigil ang pag-imprenta ng balota.

“Wala pa akong natatanggap o nae-experience na that Supreme Court ordered the stoppage of printing [of ballots]. Considering what is at stake, the timelines we are operating under, the Supreme Court has not issued any such order,” pahayag pa ni Jimenez.

Sa kasalukuyan, nasa 60,000 balota para sa local absentee voting at 79,070 balota para sa overseas absentee voting para sa manual counting ang naiimprenta na, ayon kay Jimenez.

Ang nasabing mga balota para sa manual counting ay para lamang sa mga kandidato para sa national position tulad ng President, Vice President , Senators at party-list group. Jocelyn Tabangcura-Domenden