Comm Abas ‘di makikialam sa ‘division problem’ nina Guanzon at Ferolino

Comm Abas ‘di makikialam sa ‘division problem’ nina Guanzon at Ferolino

February 1, 2022 @ 11:45 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Hindi makikialam si Commission on Elections chairman Sheriff Abas sa tinatawag ng poll body na “division problem” sa pagitan nina Commissioner Rowena Guanzon at Aimee Ferolino sa mga kaso ng disqualification laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos.

“It’s a division problem so at this point, there’s really no need to go outside of the division,” sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez media briefing nitong Lunes.

Ito ay matapos sabihin ni Guanzon na magsalita si Abas kasunod ng pagkaantala ng paglabas ng desisyon sa Comelec First Division hinggil sa pinagsama-samang petisyon ng disqualification laban Marcos.

Sinabi ni Abas na “hindi nararapat” na magkomento sa lamat sa pagitan ng dalawa, ngunit sinabi niya na sasagutin niya ito sa ibang forum.

“This is about the division. The division as we can see is made up of two very strong-willed women who are both coming at this from different angles,” ani Jimenez.

Si Guanzon ay naglabas sariling opinyon pabor sa mga petisyuner na hunihiling na idiskwalipika si Marcos kaugnay sa kanyang tax conviction.

Nakatakda siyang magretiro kasama si Abas bukas, Feb.2. Jocelyn Tabangcura-Domenden