Command center para sa mga mamamasyal sa Luneta, inilunsad

Command center para sa mga mamamasyal sa Luneta, inilunsad

July 28, 2018 @ 4:08 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Inilunsad ngayon ng  National Parks Development Committee (NPDC) ang isang Command Center na layong makapagbigay ng proteksyon sa  mga namamasyal sa parke at ang ‘We Care Day Care’ (WCDC) center na magbibigay assistance sa mga batang indigent at street children.

Ang magkasabay na inagurasyon ay ginanap sa mismong kaarawan ni NPDC executive director Penelope Belmonte, na siya ring nanguna sa unveiling ng malaking mural na gawa ng kilalang artist na si Rene Robles.

Isinabay rin ang nasabing inagurasyon sa pagdiriwang ng “PWDs’ day” katuwang ang  Liga ng may mga Kapansanan sa Pilipinas, Inc.

Dinaluhan naman ng ilang konsehal ng lungsod ang inagurasyon kung saan nanguna sa pagbabasbas si Fr. Arnold Abelardo.

Ayon kay Belmonte ang command center ay makakatulong din sa mga park goers sa Rizal Park ng maayos na seguridad. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)