Commemorative cover nina PBBM, VP Sara inilabas ng PhilPost

Commemorative cover nina PBBM, VP Sara inilabas ng PhilPost

July 7, 2022 @ 2:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines-Naglabas ang Philippine Postal Corporation (PhilPost) ng mga commemorative cover kung saan tampok sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte.

Ito ay inilabas noong Hunyo 30 upang gunitain ang kani-kanilang inagurasyon bilang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Si Marcos ay nanumpa bilang ika-17 Presidente ng Pilipinas noong Hunyo 30, habang si Duterte ay nanumpa bilang ika-15 Bise Presidente ng Pilipinas noong Hunyo 19.

Makikita sa background sa commemorative cover ni Marcos ang Palasyo ng Malacañang.

Sa kabilang banda, makikita naman sa cover ni  Duterte ay ang Monumento ng Kapayapaan at Pagkakaisa sa Davao City at ang Philippine eagle.

Sinabi ng PhilPost na malapit na ring mailabas ang mga selyo sa inagurasyon.

Ayon sa PhilPost, available ang commemorative cover sa Postshop sa Manila Central Post Office. Jocelyn Tabangcura-Domenden