Commercial ng DITO ilulunsad sa March 8

Commercial ng DITO ilulunsad sa March 8

February 23, 2021 @ 3:43 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Maglulunsad ng commercial ang DITO Telecommunity Corp. sa susunod na buwan matapos pumasa sa unang technical audit.

“We want the public to know, on March 8 of this year, will be our commercial launch,” saad ni DITO chief administrative officer Adel Tamano sa isang virtual press conference.

Nitong Lunes, iniulat ng National Telecommunications Commission (NTC) na tumalima sa pangako ang naturang kompanya sa pagpili ng bagong telecommunication company.

Batay sa ulat ng technical audit ng R.G. Manabat and Co., ang n ational population coverage ng DITO sa unang taon ay 37.48% o 37,845,315 base sa 2015 national census population na 100,983 miyon kung saan naabot ang 888,609 barangay.

Ito ay mula sa 37.03 porsyentong national population coverage pangako ng DITO na may 27 megabits per second (Mbps).

Naitala rin na ang 102.4 mbps sa 4G at 769.1 mbps sa 5G sa malapit sa base stations habang 64.4 mbps sa 4G at 316 mbps sa 5G sa malayo sa base stations mula sa karaniwang bilis ng broadband na 85.9 mbps para sa 4G at 507.5 mbps sa 5G.

“It’s a phased launch. We are going to first start in Mindanao. There’s a sentimental reason for that, if you recall before DITO became DITO we were the Mindanao Islamic Telephone Company. It was actually set up to serve the underserved areas in Mindanao. We thought it fitting to start there,” ani Tamano.

“Initial roll out will be in Mindanao and Visayas,” dagdag nito.

Lahad pa ng DITO na 17 lungsod at munisipalidad sa Visayas at Mindanao ang unang mabibigyan ng serbisyo. RNT/ELM


  •  
  •  
  •