Commission rate hike ng Grab, pinaiimbestigahan ni Poe

Commission rate hike ng Grab, pinaiimbestigahan ni Poe

November 16, 2022 @ 2:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inupakan ni Senador Grace Poe ang Grab, isang transport company na nakabase sa Singapore hinggil sa pagtataas ng kinakaltas na komisyon sa driver at riders na aabot sa karagdagang dalawang porsiyento.

Sa pahayag, sinabi ni Poe, chairman ng Senate committee on public service, dapat imbestigahan ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang plano ng Grab na kumaltas na mas malaking komisyon sa driver at rider.

“Concerned agencies should step in and look into the plan to impose a two-percent increase in the commission rate of a ride hailing firm,” ayon kay Poe na tinutukoy ang Department of Transportation (DOTr).

Aniya, tila walang konsiyensiya ang ganito sa gitna ng paghihirap sa hanapbuhay na kinahahara ng maraming Filipino kada araw.

“Every peso that drivers and riders earn comes from hard work poured to bring passengers home or delivery parcels right at our doorsteps,” ani Poe.

Sinabi ni Poe na sa halip, itaas ang kita ng kompanya, dapat mabigyan ang driver at rider na mas maraming benepisyo dahil malaki ang naitutulong nila sa pagpapatakbo ng ekonomiya.

“Instead of eating up a slice of their earnings, they should get more in terms of social protection and benefits,” ani Poe.

“As vital frontliners in the service sector, riders and drivers have helped keep the local economy going. They, too, long for an easy ride,” patapos ng senadora. Ernie Reyes