Commonwealth Avenue idineklarang ‘no rally zone’ sa SONA ni Marcos

Commonwealth Avenue idineklarang ‘no rally zone’ sa SONA ni Marcos

July 19, 2022 @ 5:42 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Idineklara ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes ang Commonwealth Avenue sa Quezon City bilang“no rally zone” para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 25.

Ayon sa ulat, sinabi ni PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. na ipatutupad ang “no permit, no rally” policy.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Felipe Natividad na wala pang raliyestang kumukuha ng permit.

Papayagan ang mga raliyesta na magsagawa ng kilos-protesta sa Quezon Memorial Circle at University of the Philippines – Diliman campus.

Halos 22,000 personnel naman ang ipakakalat sa SONA, na isasagawa sa Batasang Pambansa. Bubuo rin ng task force para sa kaganapan.

Ikakasa rin ang gun ban sa Metro Manila mula Hunyo 22 hanggang Hulyo 27 at maglalagay din ng checkpoints upang bantayan ang seguridad ng SONA ni Marcos, ayon sa PNP. RNT/SA