Community doctor na tumulong sa mga Lumad, itinuturing na terorista ng PH gov’t

Community doctor na tumulong sa mga Lumad, itinuturing na terorista ng PH gov’t

January 31, 2023 @ 11:34 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Itinalaga ng Anti-Terrorism Council (ATC) ng pamahalaan ang isang community doctor na tumulong sa Lumad at mahihirap na komunidad sa Mindanao.

Ayon sa bagong resolusyon ng ATC na ipinalabas nitong Lunes, itinuturing si Dr. Maria Natividad Marian “Naty” Silva Castro na isang terorista dahil sa “probable cause” na sangkot umano siya sa pagpaplano at pagsasagawa ng “commission of terrorism and recruitment” at in pagbibigay ng material support sa terrorist groups.

“Verified information, sworn statements, and other evidence gathered by Philippine law enforcement and security agencies, affirmed that Maria Natividad Marian Silva Castro a.k.a. Doc Naty or Ka Naty, among her CPP aliases, violated Sections 6, 10 and 12 of the Anti-Terrorism Act (of 2000),” dagdag nito.

Pwedeng maghain si Castro ng request para matanggal sa terrorist list sa ATC sa loob ng 15 araw mula sa pagkakalathala ng resolusyon.

Naaresto ang doktor noong Pebrero 2022 sa kasong kidnapping at serious illegal detention. Nakalaya siya matapos ibasura ng korte ang mga kaso laban sa kanya makalipas ang isang buwan.

Kinondena naman ng health groups at human rights organizations ang pagkakaaresto no Castro.

Batay sa mga ulat, tumulong si Castro sa pagtatatag ng health centers sa Mindanao. RNT/SA