Community transmission ng COVID variants mula sa WHO wala pa —DOH

Community transmission ng COVID variants mula sa WHO wala pa —DOH

May 28, 2021 @ 4:31 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Hindi pa umano natatanggap ng Department of Health (DOH) ang opisyal na pahayag ng World Health Organization (WHO) para ipaalam sa ahensya base sa kanilang assessment na mayroong community transmission ng variants na natukoy na sa bansa partikular sa Metro Manila.

Ito ang komento ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire ngunit mayroon na aniyang palagay kahit noon pa dahil nakikita naman aniya na talagang tumataas ang bilang ng mga taong na-identify na may variants.

Dagdag pa nito, kailangan pa ring ipaalala sa ating mga kababayan na kahit ano pang variant ang mayroon tayo sa bansa ay pareho pa rin ang kailangan nating gawin.

Punto ni Vergeire, hindi kailangang matakot kahit mayroong community transmission kung hindi dapat labanan sa pamamagitan ng pagsunod sa health protocol.

Higit sa lahat, kung maaari na aniyang magpabakuna ay dapat nang magpabakuna na laban sa COVID-19.

“Let me just reiterate, whatever variants that we have right now, wether we have community transmission or not we still do the same response to protect ourselves by complying with health protocols and having ourselves vaccinated,” wika ni Vergeire.

Ang tugon ni Vergeire kaugnay sa community transmission ng variants sa bansa ay kasunod ng naging pahayag ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na mayroon nang transmission ng variant sa Metro Manila.  Jocelyn Tabangcura-Domenden