Community transmission ng Omicron subvariants wala pa sa Pinas – DOH

Community transmission ng Omicron subvariants wala pa sa Pinas – DOH

June 3, 2022 @ 9:37 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Walang pang indikasyon ng isang community transmission ng Omicron subvariants na BA.2.12.1 at BA.4 sa bansa sa ngayon, sinabi ng Department of Health (DOH).

Sa kasalukuyan, kinumpirma ng DOH ang kabuuang 22 kaso ng BA.2.12.1 at isang kaso ng BA.4 sa Pilipinas. Idineklara lamang ng DOH ang local transmission ng BA.2.12.1 sa ngayon.

“Community transmission is declared when linkages among local cases detected cannot be established,” anang DOH.

“More confirmed cases with no linkages are needed in order to declare community transmission of the aforementioned variants,” dagdag pa ng kagawaran.

Sa kabila nito, nagpaalala pa rin ang DOH sa publiko.

“In light of potential variants entering the country, the general public is strongly advised to please get vaccinated and boosted as soon as possible in light of waning immunity and possibly immune escaping characteristics of variants,” ayon sa DOH.

“The public is further advised to continue following the health protocols: wear your best-fitting mask, isolate when sick, and ensure good airflow,” aniya pa. RNT