Commuter act inihain sa Kamara

Commuter act inihain sa Kamara

August 3, 2022 @ 3:06 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Isang panukala na  magbibigay proteksyon sa mga commuters ang inihain sa Kamara ni Rizal Rep. Fidel Nograles.

Sa ilalim ng House Bill No. 2064 o Magna Carta for Commuters ay matitiyak ang proteksyon para sa mga commuters partikukar ang karapatan nila sa refund.

“This will promote economic growth by improving mobility and reducing inequality. This Magna Carta calls for a shift from car-centric public policy and infrastructure to sustainable transport and mobility, one that provides safe access and mobility to all, promotes economic development, protects and preserves the environment, and uplifts the life of the Filipino commuter,”pahayag ni Nograles.

Sa ilalim ng panukala ang isang commuter ay makakakuha ng full refund at assistance mula sa transport operators sakaling magkaroon public transport services breakdown.

“If onward journeys are unavailable for more than one hour, the transport operator should provide food, water, and access to a waiting area with restrooms and ventilation,” nakapaloob sa panukala.

Giniit ni Nograles na ang Magna Carta for Commuters ay nagdedetalye ng right to public transport services, right to safe, convenient at affordable public transport  right to infrastructure for pedestrians, cyclists at  PWDs; right to a fair share of public road space; right to breathe clean air at right to information ng mga pasahero.

Sa oras na maisabatas sinumang lalabag  ay pagmumultahin ng ₱200,000 hanggang ₱500,000 habang ang government officials na lalabag ay maaaring masibak sa trabaho. Gail Mendoza