Commuters dapat magpresenta ng vaccination card – LRT-2

Commuters dapat magpresenta ng vaccination card – LRT-2

January 13, 2022 @ 12:00 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Kakailanganing magpresenta ng mga pasahero ng LRT-2 ng kanilang vaccine card, base sa pamunuan ng Light Rail Transit Authority.

Narito ang mga dapat ipresenta sa pagsakay:

  • physical o digital copy ng vaccination cards

  • vaccination certificate galing Department of Health

  • IATF-prescribed document

Habang ang mga hindi naman sakop ng “no vaccination, no ride” policy ng Department of Transportation ay dapat magpresenta ng mga sumusunod:

  • medical certificate na may pirma at contact number ng doktor para sa mga hindi maaaring bakunahan dahil sa medical condition

    • barangay health pass o patunay na maaaring mag-travel: medical emergencies, pagbili ng essential goods and services tulad ng tubig, pagkain, gamot, medical device, public utilities, power, work, at iba pang kailangan.

RNT/FGDC