PH, Malaysia sanib-pwersa vs maritime crimes

January 27, 2023 @3:49 PM
Views: 4
MANILA, Philippines – Palalakasin ng Philippine Coast Guard (PCG) at Malaysian Maritime Enforcement Agency ang paglaban sa krimen sa dagat na naghahati sa teritoryo ng Pilipinas at Malaysia.
Ito ay matapos magkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng dalawang bansa sa pangunguna ni Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu.
Kabilang sa tinalakay ay ang mga banta at hamon na kapwa kinakaharap ng dalawang bansa base sa umiiral na mga batas.
Gayundin ang posibilidad nang magkasamang pagsasanay sa pag-iimbestiga at pagtugon sa mga insidente sa karagatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden
P21M medical assistance sa indigent patients ipinagkaloob ng BARMM

January 27, 2023 @3:36 PM
Views: 9
MANILA, Philippines – Naipagkaloob na ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang P21 milyon halaga ng libreng medical assistance sa indigent patients sa rehiyon.
Ayon Ministry of Social Services and Development (MSSD) Atty. Raissa Jajurie, ibinigay ng ahensya ang P21 milyon halaga ng tseke nitong Huwebes, Enero 26 kay Mercury Drug Cotabato branch manager Daniel Ulep para magpasalidad sa pagbibigay ng libreng gamot sa mga pasyente.
Sa ilalim nito, maaaring makakuha ng libreng gamot ang mga pasyenteng may hawak na referral mula sa MSSD sa mga branch ng Mercury Drug sa mga lungsod ng Cotabato, Tacurong, Iligan at Zamboanga; maging sa mga bayan ng Midsayap at Kabacan sa North Cotabato.
Ani Jajurie, layon nito na palakasin pa ang pagbabahagi ng Bangsamoro Critical Assistance for Indigents in Response to Emergency Situations (B-CARES) program ng MSSD para sa mga indigent patients na mangangailangan ng gamot.
Samantala, sasailalim sa interview ang pasyente o authorized representatives nito upang malaman kung kwalipikado ang mga ito bilang benepisyaryo ng naturang programa.
“Once deemed qualified, a guaranty letter will be issued, and they can proceed to Mercury Drug to get the medicine,” aniya.
Ang mga pasyenteng mangangailangan ng tulong ay maaaring magtungo sa opisina ng MSSD at ipakita ang reseta ng doktor kabilang ang date of issuance ng prescription, kumpletong pangalan, PRC license number at pirma ng umatending doktor.
“Through this, the indigent patients or a representative will no longer go through a tedious process of seeking assistance from BARMM,” sinabi pa ni Jajurie.
Samantala, nangako naman si Ulep na patuloy na magbibigay ng tamang gamot at serbisyo ang Mercury Drug sa indigent patients.
“Hopefully, this program will continue to help make life easy for indigents, especially those in need of immediate medication,” sinabi pa niya. RNT/JGC
80 distressed OFWs mula Kuwait nakauwi na

January 27, 2023 @3:23 PM
Views: 20
MANILA, Philippines – Nasa 80 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait ang dumating na sa bansa nitong Biyernes, Enero 27 ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Sa pahayag, sinabi ng OWWA na ang ika-apat na batch ng distressed OFWs mula sa nasabing bansa ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bandang 5:40 ng umaga.
Sinalubong naman ng repatriation team ang mga dumating na OFW.
“Bukod sa pagkain at inumin, nakatanggap din ng financial assistance ang bawat isa sa kanila,” ayon sa OWWA.
Matatandaan na nauna nang binisita ng team mula sa Department of Migrant Workers ang government-run facilities sa Kuwait kung saan namamalagi ang mga distressed OFW doon.
Inihanda rin ng ahensya ang agarang repatriation para sa mga ito.
Inaasahan na darating sa bansa sa mga susunod na araw ang ikalimang batch ng OFWs mula Kuwait. RNT/JGC
Kuwaiti employer ng napatay na OFW blacklisted na – DMW

January 27, 2023 @3:10 PM
Views: 20
MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko na blacklisted na ang Kuwaiti employer ng napatay na overseas Filipino worker (OFW) na si Jullebee Ranara.
Si Ranara, 35-anyos ay pinatay ng 17 taong gulang na anak ng kanyang employer.
Ang kanyang katawan nito ay sinunog at inabandona sa disyerto sa Kuwait.
“Definitely, blacklisted na siya,” sabi ni DMW Secretary Susan Ople.
Dagdag pa ng kalihim, sinampahan na ng disciplinary action ang employer dahil sa pagkamatay ni Ranara.
“We already preventively suspended the employer because of the death of our OFW. Sinampahan na rin po natin ng disciplinary action against the employer,” pagbabahagi naman ni DMW Undersecretary Bernard Olalia sa isang press briefing.
Samantala, haharap din sa recruitment violation case at disciplinary action ang local at foreign recruitment agency ng napatay na OFW.
“Si agency naman po, si Catalist, ‘yung local recruitment agency dito at ‘yung kanyang counterpart, ‘yung FRA (foreign recruitment agency) na si Platinum, meron na rin pong hinaharap na recruitment violation case at saka isang disciplinary action against the employer also and against the counterpart,” ani Olalia.
“Ongoing po ‘yung ating investigation at ‘pag napatunayan po nating nagpabaya, definitely, hahantong din po ‘yun sa isang sanction,” dagdag pa niya.
Kasalukuyang naka-detain na ang suspek sa pagpatay kay Ranara.
Inaasahang darating sa bansa Biyernes ng gabi, Enero 27 ang labi ng Pinay OFW. Jocelyn Tabangcura-Domenden
BSKE ballot printing sa 4 na rehiyon, 1 probinsya, tapos na

January 27, 2023 @2:57 PM
Views: 20