‘Complete transparency’ sa Halalan 2022 siniguro ng Comelec

‘Complete transparency’ sa Halalan 2022 siniguro ng Comelec

April 25, 2022 @ 4:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Walang hakbang sa electoral process ang hindi isasapubliko, ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Erwin Garcia nitong Lunes.

“We will always ensure under the leadership of our Chairman, complete transparency and accountability in this election,” pahayag ni Garcia sa paglagda sa isang peace covenant sa Negros Oriental. “We will ensure the public, the electorate, that there will not be a single part of the process of the election na hindi makikita o hindi malalaman ng ating publiko,” aniya pa.

Tiniyak din niya ito hindi lamang sa national level kundi maging sa local level.

Base kay Garcia, iniatas nila sa kanilang field personnel at main office personnel na laging siguruhin ang “transparency and accountability” na hindi nakokompromiso ang seguridad ng mga balota, maging ng counting machines at ng SD cards.

Masasabi umano ni na ang Vote Counting Machines (VCMs) ay counting machines lamang at anumang lumabas dito ay konsolidasyon lamang ng mga boto sa mga munisipalidad at mga lungsod. Mas dapat umanong pagtuunan ng pansin ang pagpigil sa anumang ireguralidad kagaya ng vote buying. RNT/SA