Composer ng ‘Dynamite’ ng BTS, may pasabog!

Composer ng ‘Dynamite’ ng BTS, may pasabog!

September 1, 2020 @ 4:23 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ang kantang ‘Dynamite’ ng BTS na nangununa ngayon sa halos lahat ng Top 10 charts sa maraming bahagi ng mundo ay isang lumang komposisyon na 12 years ago pa unang binuo ng American composer/producer na si David Stewart.

 

That means, hindi pa man nabubuo ang BTS sa South Korea, buo na ang original na ‘Dynamite.’

 

‘Yan ay ayon sa ulat ng Korean website na www.koreaboo.com. Ang titulo ng report ay “’Dynamite’ Spent 12 Years In The Shadows, Here’s How It Finally Entered The Spotlight.” Batay ang ulat sa interbyu ng Rolling Stones magazine (sa Amerika) kay Stewart.

 

 

Pagtatapat ni Stewart: “I made that song out of my bedroom in my parents’ house. I didn’t do it in the flashy studio with a big console. This is 12 years in the making, me in my bedroom just working.”

 

Parang siya mismo ang kumanta sa demo copy ng komposisyon at ang kung ano lang ang mga equipment na meron siya sa kwarto n’ya, ang mga yon lang ang ginamit n’ya sa pagre-record ng ‘Dynamite.’

 

Inamin niyang ang ‘Dynamite’ na ini-record ng BTS ay hindi ang mismong nilikha niyang mag-isa.

 

Aniya: “We changed four or five little bits — a few of the lines were maybe not something that would make sense for BTS to say.”

 

Ang tinutukoy niyang ‘we’ ay siya at si Jessica Agombar, na naka-credit ngayon sa ‘Dynamite’ ng BTS bilang co-composer ni Stewart.

 

Actually, ang Columbia Records ang nag-assign sa kanilang dalawa na muling isaayos para bumagay sa kasalukuyang panahon.

 

Ipinagtapat din ni Stewart na marami namang composers ang nagpadala ng mga obra nila sa Big Hit Entertainment, ang managers ng BTS, at ang ilan sa mga iyon ay ipinapadala ng kumpanya sa Columbia Records sa Amerika para maisama sa mga album ng BTS. Ang Columbia Records ang nagpo-produce ng album ng BTS for worldwide distribution.

 

“I had quite a few conversations with big producers and writers in America who were trying to get it. It was a bit of a holy grail cut,” pahayag ni Stewart sa Rolling Stone magazine, ayon sa Korean website.

 

Talagang halos ‘di makapaniwala si Stewart na sisikat pa sa buong mundo ang isang luma na niyang komposisyon.

 

Muling sambit niya: “I did it on my laptop in my bedroom.

 

“It’s mind-boggling to me that something so big can come from something so modest.” Danny Vibas


  •  
  •  
  •  

Loading...