Composer ng kantang Pusong Bato, ni-reject ng mga ospital, patay!

Composer ng kantang Pusong Bato, ni-reject ng mga ospital, patay!

September 15, 2021 @ 7:59 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pumanaw sa edad na 61 si Renee “Alon” dela Rosa nitong September 15, ang original composer ng awiting Pusong Bato na pinasikat ni Aimee Torres.

Isang araw bago rito’y nag-post pa ang anak ni Alon na si Justine sa Facebook na kailangan nila ng tulong pinansyal para makabili ng oxygen tank para sa ama.

Kinabukasan, humihingi naman si Justine na kung maaari’y ihanap sila ng ospital. Ni-reject daw kasi sila sa 40 ospital na pinuntahan nila dahil punuan daw ang mga ito.

Mababa na rin daw ang oxygen level ng ama.

Kahit man lang makabitan sana ito ng dextrose o lapatan ng anumang first aid.

Hinindian din daw sila ng ilang ospital kahit sa labas na lang ito i-admit.

Nalagutan ng hininga si Alon sa labas ng isang ospital sa San Bartolome, Novaliches sa Quezon City.

Nagnegatibo naman daw ito sa antigen test pero lumabas ang resulta kung kailan patay na ito. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •