Composite sketches ng 2 suspek sa missing ‘sabungero’ case, isinapubliko

Composite sketches ng 2 suspek sa missing ‘sabungero’ case, isinapubliko

December 1, 2022 @ 1:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ipinalabas ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Huwebes ang composite sketches ng dalawang suspek sa pagkawala ng sabungero sa Laguna.

Nauna nang sinabi ng CIDG na nakakuha ito ng phone video kung saan dalawang hinihinalang pulis at isang nawawalang “sabungero” ang nakita sa labas ng sabungan sa Santa Cruz noong Abril 28, 2021.

“Based on the ‘secret’ cellphone video showing two men and a handcuffed missing sabungero walking outside a cockfighting arena in Santa Cruz, Laguna on April 28, 2021, we now hold vital evidence on our probe in the disappearance of the said sabungeros,” paglalahad ni CIDG chief Police Brigadier General Ronald Lee.

Positibong kinilala ng asawa at kapatid ang lalaking nakaposas na si Michael Bautista—isa sa 34 missing sabungeros—batay sa kanyang gupit, pangangatawan, at personal belongings.

“Kinakailangan pa rin nating ipa-enhance ‘yung video upang ma-establish nating mabuti ang pagkakakilanlan nung mga suspek na hinihinalang mga pulis,” giit ni Lee.

Sinabi pa ng CIDG na kaslukuyang inihahanda ang kaso laban sa mga suspek bago ihain sa Department of Justice.

Magugunitang kinasuhan na ang walng identified persons at isang John Does na sangkot sa Manila Arena case at laban sa limang PNP personnel at kanilang kasabwat sa Ricardo Lasco kidnapping nitong taon, ayon sa CIDG. RNT/SA