Composting isusulong ng Senado vs lumulobong halaga ng fertilizer

Composting isusulong ng Senado vs lumulobong halaga ng fertilizer

December 5, 2022 @ 6:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umaasa si Senador Cynthia Villar na kaisa nito ang lahat ng magsasaka sa adhikain na isulong ang composting para sa malusog na lupa laban sa lumulobong halaga ng chemical fertilizer na nagpapahirap sa magbubukid.

Sa pahayag, sinabi ni Villar, chairman ng Senate committee on agriculture na tumaas nang halos triple ang halaga ng pataba sa merkado kaya’t napapanahon ang paggamit ng composting upang makatipid ang magsasaka.

Aniya, mababawasan ang paggamit ng mga magsasaka ng mahal na fertilizer sanhi nang pagbulusok ng presyo nito- mula P934 average noong 2019 sa P2, 134.64 average ngayong 2022.

“With the country’s dependence on imported fertilizers, the current global demand greatly affects the entry of fertilizer imports in our country. This caused limited local fertilizer supply that influenced the escalation of local prices,” pahayag ni Villar sa pagdiriwang ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ng World Soil Day 2022, Disyembre 5 sa Quezon City.

Sinabi ni Villar na idinadaos ang World Soil Day (WSD) kada taon para tutukan ang kahalagahan ng healthy soil at itaguyod ang sustainable management ng soil resources.

Sa selebrasyon sa taong ito, global theme ang – “Soils: Where food begins” – upang pahalagahan ang malusog na ecosystems.

Iginiit ng Food and Agriculture Organization na kapag pinabayaan ang lupa, hindi ito magiging mayabong at hindi rin malusog ang mga halaman.

“Soil nutrient loss is a major soil degradation process threatening nutrition. It is recognized as being among the most critical problems at a global level for food security and sustainability,” paliwanag ng chairperson ng Senate committee on agriculture.

Sinabi ni Villar na sinimulan niya sa Las Piñas City ang composting project noong 2002 kung saan may P300 milyon ang natitipid ng LGU dahil sa recyling ng 75 percent ng kanilang basura. Ernie Reyes