Con Ass tinatrabaho ni SGMA

Con Ass tinatrabaho ni SGMA

August 7, 2018 @ 1:06 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Sa halip na talakayin pa ang substance o nilalaman ng Charter Change (ChaCha), nais ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na agad nang tutukan ng House Committee on Constitutional Amendments ang pagkumbinsi sa Senado na maupo na bilang Constituent Assembly (Con Ass).

Katwiran ni Arroyo, aksaya lamang ng oras kung tatalakayin pa ang nilalaman ng ChaCha na siya rin naman gagawin kapag umupo na sila kasama ang Senado bilang Con Ass.

Sinabi ni Arroyo kay House Constitutional Amendments Committee Chairman Rep. Vicente Veloso na mababalewala lamang din ang mabubuo sa Committee Level dahil bubuo rin ng sariling rules ang Con Ass kaya mainam na unahin ni Veloso sa kanilang ginagawang pagdinig na makahanap ng paraan kung paano makukumbinsi ang Senado.

Kanina ay sinimulan na ng komite ang pagtalakay sa Chacha kung saan dumalo si Arroyo,ani Veloso, tututukan nila ang marching order ni Arroyo upang masimulan na ang Con Ass.

Una sa agenda ng komite ay ang pagbuo ng bagong resolusyon kung saan nakasaad na magkakaroon na ng hiwalay na botohan ang Kamara at Senado sa pag amyenda sa Konstitusyon.

Matatandaan na sa unang report ng Komite ay inaprubahan nito na babaguhin ang Konstitusyon sa paraan ng Con Ass subalit hindi nakasaad na separate voting. (Gail Mendoza)