Con-con malabo sa ilalim ng Marcos admin – ex-DILG undersecretary

Con-con malabo sa ilalim ng Marcos admin – ex-DILG undersecretary

November 14, 2022 @ 4:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni dating Interior Undersecretary Jonathan Malaya oniton Lunes na malabo ang constitutional convention (con-con) para sa amendment ng 1987 Constitutions sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Habang tinatalakay ang 1987 Constitution sa forum na inorganisa ng University of the Philippines Alpha Phi Beta, sinabi ni Malaya na kahit kailan ay hindi niya na narinig na binanggit ng Pangulo ang tungkol sa Charter change.

“Para po sa amin, a good option is constitutional convention. But that is a political decision and I don’t think under the current administration, under the Bongbong administration, there will be impetus towards a constitutional convention,” pahayag ni Malaya.

“In fact, I have not heard Bongbong Marcos speak about the issue of amending the Constitution. Wala po akong naririnig sa kanya. And we cannot have a constitutional convention without the support of the president,” dagdag niya.

Dahil dito, sinabi ni Malaya na ang opsyon ay “probably off the table.”

Sinabi niya na ang pinakamainam na opsyon para sa bansa ay isang “incremental approach to Constitution building” or piecemeal amendments through a constituent assembly.

“Instead of changing the system of government, instead of totally changing the system… my personal position is, let’s just reform or adapt existing institutions rather than abolishing or changing them completely,” ani Malaya.

Magugunitang hinikayat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na administrasyon na simulan nang amyendahan ang Konstitusyon at inirekomendang buwagin ang party-list system. RNT/SA