Con-con wala sa timing sa gitna ng unemployment, inflation – solon

Con-con wala sa timing sa gitna ng unemployment, inflation – solon

March 11, 2023 @ 1:40 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinandigan ni Senador Imee Marcos ang kanyang posisyon laban sa pagbabago ng 1987 Constitution – sa ngayon dahil hindi napapanahon sa gitna ng kawalan ng trabaho at lumulobong inflation rate.

Sa pahayag matapos dumalo sa ginanap na “Buntis Day Celebration nitong Biyernes sa St. Jude Multi-Purpose Cooperative Hotel sa Barangay Isabang sa Lucena City, na hindi napapanahon ang constitutional convention (con-con) para sa Charter change.

“There are more pressing matters now like unemployment, inflation, high price of commodities, and food shortage which I think, needs urgent attention,” ayon kay Marcos.

“I’m also worried that this con-con may distract our leaders and veer away from crucial concerns like peace and order situation. There are successive assassinations of our public officials like Governor Degamo and Vice Mayor Alameda of Aparri and they have to be resolved,” giit niya.

Pero, inamin ni Marocs na maraming probisyon sa 1987 Constitution ang kailangan baguhin, pero hindi dapat nagmamadali.

Naging guest speaker si Marcos sa Buntis Day Celebration, na inorganisa ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society (POGS) at Southern Tagalog Chapter nito.

Sa naturang event, pinangunahan niya ang pamamahagi ng maternity starter kits na naglalaman ng bitamina at iba pang pregnancy materials habang naghandog ang organizers sa 300 expectant mothers ng libreng prenatal checkups, ultrasound at lecture sa proper breastfeeding.

Bahagi ang okasyon ng International Women’s Month celebration. Ernie Reyes