Concepcion: AstraZeneca magsusumite ng COVID jab product registration

Concepcion: AstraZeneca magsusumite ng COVID jab product registration

June 17, 2022 @ 11:36 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Magsusumite ang AstraZeneca ng aplikasyon para sa certificate of product registration (CPR) “in a couple of weeks,” ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion nitong Biyernes.

Papayagan ng CPR ang manufacturers na ibenta ang kanilang mga produkto sa publiko.

Si Concepcion ang nanguna sa pagbili ng pribadong sektor ng AstraZeneca COVID-19 jabs noong 2020 sa isang  tripartite agreement.

“Right now government guarantees anybody who gets sick they’ll pay for it but that should stop because pharmaceutical companies are making money out of these vaccines so they should file CPR which AstraZeneca is filing within a couple of weeks they told me. Hopefully, Moderna and Pfizer [soon],” pahayag niya.

Hinikayat din ni Concepcion si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos na alisin na ang alert level system at public health state of emergency sa bansa.

Iginiit ng Department of Health na walang awtoridad ang pamahalaan na alisin ang public health state of emergency dahil World Health Organization ang nagdeklara nito. RNT/SA