Concepcion dismayado sa nasayang na COVID vax

Concepcion dismayado sa nasayang na COVID vax

July 28, 2022 @ 1:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinuna ni dating Palace adviser Joey Concepcion nitong Huwebes ang health authorities para sa huling desisyon na palawigin ang eligibility para sa ikalawang booster shot dahil halos 4.25 milyong COVID-19 vaccines ang naiulat na napanis na.

Sinabi ng Go Negosyo founder na ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council na palawigin ang saklaw ng ikalawang booster ay masyado nang huli.

“This is a huge loss. I mean P5 billion [worth of expired vaccines] is not small for the private sector, especially. For the government, even more,” aniya.

Nauna nang sinabi ni Concepcion na ang huling batch ng AstraZeneca vaccines ay masisira sa Hulyo 31, habang ang huling Moderna vaccines ay expired na kahapon, Miyerkules.

Sa kabuuang bilang ng mga bakuna, 3,629,150 sa mga ito ang Moderna vaccines, ayon kay Concepcion. Nangangahulugan ito na Pfizer vaccines ang natitira para sa una at ikalawang boosters, aniya pa.

“Unfortunately, HTAC just didn’t act on it right away… This wouldn’t have come to this point,” ayon sa dating former presidential adviser for entrepreneurship.

“Even if we have 30 days still, we could have done many things with 30 days. But when was it approved? Right on the day that it did expire. So, that’s so ironic,” dagdag niya.

Matatandaang pinalawig ng Department of Health nitong Martes ang saklaw ng ikalawang booster sa mga edad 50 pataas, at sa immunocompromised individuals edad 18 hanggang 49.

Inihayag ni Concepcion na dismayado siya dahil pwede sanang maiwasan ang pagkasayang ng mga bakuna. Aniya, nagmula pa ang perang pinambili ng mga bakuna sa mga kompanya na apektado rin ng pandemya.

“I mean, we didn’t have to do it. We could have just gone to the LGUs and take our vaccination there,” aniya.

Hinikayat naman ni Concepcion ang susunod na health secretary na maging “commander-in-chief in this entire health issue”. Sinabi tin niya na dapat na i-overrule ng DOH chief ang anumang rekomendasyon mula sa advisory committees.

Samantala, sinabi rin ni Concepcion na kailangang tutukan ng pamahalaan ang 1 o 2 vaccine brands para sa second boosters.

“Let us move forward. Let’s learn from this,” aniya. RNT/SA