Concepcion: Pagtataas sa Alert Level 1 ‘di na kailangan

Concepcion: Pagtataas sa Alert Level 1 ‘di na kailangan

May 23, 2022 @ 1:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kumbinsido si Presidential Adviser on Entrepeneurship Joey Concepcion na hindi kailangang magtaas ng alert level kahit pa magkaroon ng pagtaas ng COVID-19 cases na posibleng idulot ng mga bagong Covid variants na naiulat ng naririto sa bansa.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Concepcion na wala siyang nakikitang problema kahit sumipa pa ang kaso ng virus basta’t masigurong walang peligro sa hospital utilization rate.

Hindi na ani Concepcion kakayanin pang magsara ng ekonomiya sa pamamagitan ng paghihigpit ng Alert Level.

Kapag nangyari aniyang muling magtaas ng alerto, apektado na naman dito lalo na ang mga MSMEs at hagip din dito ang kumpiyansa ng mga bangko na nagpapautang sa kanila.

Puwedeng sundin ang ginagawa ng ibang mga bansa sabi ni Concepcion na hindi na naghihigpit pa ng restrictions basta’t masiguro lang na maayos ang occupancy rate ng mga pagamutan.

Ang dapat ding gawin dagdag ni Concepcion ay mapaigting ang pagtuturok ng booster shot. Kris Jose