Concepcion sa health, economic experts: Pribadong sektor gabayan sa pagbabalik-normal ng Pinas

Concepcion sa health, economic experts: Pribadong sektor gabayan sa pagbabalik-normal ng Pinas

June 25, 2022 @ 11:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tinapik ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion  ang  health at economic experts  bilang mga advisory group na gabayan ang pribadong sektor  habang ang bansa ay kumikilos tungo sa pagiging normal matapos ang pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.

Sa katunayan, sinabi ni Concepcion na may nakatakda siyang pagpupulong kasama ang mga eksperto sa larangan ng medisina, pananaliksik at ekonomiya upang pag-usapan ang kanilang mga payo sa pribadong sektor  hinggil sa “shifting to normalcy.”

Kabilang sa mga eksperto ay sina infectious disease expert Dr. Rontgene Solante, National Task Force (NTF) Against COVID-19 adviser Dr. Teodoro “Ted” Herbosa,  DOH Technical Advisory Group member Edsel Salvana, at OCTA research fellows Dr. Michael Tee, Dr. Guido David at Fr. Nic Austriaco, at ang ekonomistang si Romy Bernardo.

“So these doctors and data analysts will meet this afternoon and align [their] message and of course their advice to the private sector as well. We are facing these price increases and we want to make sure yung alert levels natin will continue to be where it is,” ayon kay Concepcion.

“And hopefully, ang isang recommendation naming is eventually setting it aside but what are the parameters that will happen before we totally remove alert levels so those are the things we will be discussing,” dagdag na pahayag  nito.

Sinabi pa ni Concepcion, may pangangailangan na pag-usapan ang proseso ng “transitioning out to a public state of emergency.”

“How do we transition out from the public state of health emergency, we cannot be forever in the public state of emergency, how do we shift now to the removal of that? It will take time,”  ayon kay Concepcion.

“We have to start thinking along the line of preparing the move from pandemic to endemic. So it’s not overnight that you can say okay tanggalin na natin ang public state emergency hindi ganyan, so it is a process and we have to start discussing that,” aniya pa rin.

Nauna rito, pinalawig ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang  state of calamity ng hanggang Setyembre  12, 2022 sa bansa bunsod ng  patuloy na pagtaas ng kaso at banta ng coronavirus variants. Kris Jose