Concepcion: Work-from-home arrangement ‘di para sa lahat

Concepcion: Work-from-home arrangement ‘di para sa lahat

June 26, 2022 @ 11:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sa gitna ng mga panawagan ng ilang empleyado na panatilihin ng pamahalaan ang m work-from-home setup, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na hindi ito para sa lahat.

Ayon sa ulat, sinabi ni Concepcion na hindi akma ang work-from-home arrangement sa mga negosyo na nangangailangan ng manual labor.

“It is not possible for supermarkets to have no merchandisers and cashiers. All of these people, especially in retail or restaurants, almost all have to be present,” sabi ni Concepcion.

Samantala, sinabi naman ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na bukas ito sa panukalang pagbibigay ng tax incentives sa mga negosyo sa ilalim ng work-from-home arrangement, hangga’t hindi ito sapilitan.

Idinagdag din ng ECOP na kinakailangan ng pag-aaral kung mas epektibo ba ang mga empleyado na nagtrabaho mula sa tahanan.

“It cannot be applied to all. There is just some work that they have to be physically present,” ani ECOP President Sergio Ortiz Luis.

Pinayagan ng Civil Service Commission nitong Hunyo ang flexible working arrangements kung saan maaari nang magtrabaho sa work-from-home setup ang mga empleyado ng pamahalaan. RNT/SA