Concert ng Eheads, kinumpara kay Toni!

Concert ng Eheads, kinumpara kay Toni!

January 14, 2023 @ 10:36 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Nadadagdagan ang excitement ni Toni Gonzaga habang papalapit ang kanyang concert.

Titled I Am Toni, the concert at the Smart Araneta Coliseum coincides with Toni’s birthday on January 20.

It also marks her 20th year in showbiz.

Produced ito ng Godfather Productions ng dating That’s Entertainment member at film producer na si Joed Serrano.

Co-producer ang ina ni Toni na si Mommy Pinty.

But as the excitement heightens, dumarami rin ang tumutuligsa sa mapangahas na career move na ito ni Toni.

Ikinukumpara ang kanyang concert sa nagdaang matagumpay na reunion concert ng Eraserheads led by Ely Buendia.

Ang pinakamahal na ticket doon ay nagkakahalaga ng P17,000 yet hindi inalintana ng mga Eheads fans ang presyo.

Kita rin naman kasi ang kapal ng tao who trooped to the venue.

Wala silang pakialam if they stood for long hours, masaksihan lang ang concert.

As for Toni’s concert, P10k ang balitang most expensive ticket at close to P900 ang pinakamura.

Balita ring namakyaw ng 500 tickets si Mommy Pinty.

Hindi nga lang tiyak kung magkanong halaga ang mga binili niyang tickets.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens dito.

Anila, no big deal kung namakyaw man ng tickets si Mommy Pinty dahil natural lang naman daw sa isang magulang ang bigyan ng suporta ang anak.

Viral tuloy sa Facebook ang kontrobersyal na concert ng TV host-actress-vlogger.

May art card din kasing nagsasabi na bumili rin lang daw ng tickets ang ina, sana raw ay sa bahay na lang nila pakantahin si Toni.

Ang harsh! Ronnie Carrasco III