Ikinansela na ni British singer-songwriter Elvis Costello ang kanyang European tour kasunod ng pagsailalim niya sa surgery dahil sa cancer.
Sa kanyang website, ipinaliwanag ng singer ng hit song na ‘She’ na napilitan umano itong kanselahin ang natitira pang anim na petsa ng kanyang tour sa Croatia, Austria, Norway at Sweden.
“Six weeks ago my specialist called me and said, ‘You should start playing the Lotto’,” kwento ni Costello. “He had rarely, if ever, seen such a small but very aggressive cancerous malignancy that could be defeated by a single surgery.”
Dahil dito, pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga muna.
“The spirit has been more than willing but I have to now accept that it is going to take longer than I would have wished for me to recover my full strength,” ayon sa singer at nag-sorry sa mga fans na nakabili na ng kanyang concert ticket.
Pero, tiniyak naman ni Costello na matapos ang kanyang pahinga ay sisiguruhin niyang makakabalik agad siya ng entablado. (Remate News Team)