‘Conditional entry’ mula sa lahat ng bansa papayagan sa Saudi kahit na may Omicron

‘Conditional entry’ mula sa lahat ng bansa papayagan sa Saudi kahit na may Omicron

November 28, 2021 @ 12:24 PM 2 months ago


CAIRO- Papayagan sa Saudi Arabia ang pagpasok ng mga biyahero galing sa lahat ng bansa sa kondisyong  nabakunahan na sila kahit unang dose ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine, base sa pahayag nito noong Sabado, isang araw matapos suspendihin ang mga flights mula sa pitong bansa sa Africa sanhi ng Omicron variant.

Inanunsyo ng ministry na papayagan ang mga biyahero mula sa susunod na Sabado at kailangang isailalim sa quarantine sa loob ng tatlong araw. Hindi naman nito binanggit ang flight suspensions.

Nitong Biyernes ay sinuspinde ng Saudi Arabia ang mga flights galing sa South Africa, Namibia, Botswana, Zimbabwe, Mozambique, Lesotho at Eswatini dahil sa banta ng Omicron coronavirus variant. RNT/SA