Condo ni Joaquin at Rafa, sagot ni Isko!

Condo ni Joaquin at Rafa, sagot ni Isko!

January 3, 2023 @ 4:53 PM 1 month ago


Manila, Philippines- Finally ay hindi na nagpatumpik-tumpik si Joaquin Domagoso na isa na siyang ganap na ama.

At 21, JD sires an eight-month-old baby with non-showbiz girlfriend Rafa Castro.

Si Rafa ay anak ng dating aktor na si Diego Castro.

Inamin ni JD na itinago niya mismo sa kanyang amang si Isko Moreno that he got a girl pregnant.

Natuklasan na lang daw ‘yon ng dating Manila City mayor mula sa manager ni JD who also used to handle his showbiz career.

Hindi naman daw nagalit ang ama, pero sinabihan nito ang anak na magbago na.

Sa ngayon, since kumikita na rin daw si JD ay sagot niya ang mga pangangailangan ng anak nila ni Rafa.

But take note, nakasandal pa rin si JD kay Isko na siyang nagbabayad ng inuupahan nilang condo na aabot sa P30k a month!

Tulad ni JD ay beinte uno anyos na rin si Rafa.

But getting married at the moment is not on their priority list.

Nakikiusap si JD na huwag daw silang i-pressure ni Rafa dahil mga bata pa raw sila.

Samantala on Isko, balitang ayaw na raw nitong pumasok sa pulitika.

Alam ng lahat na nagsilbing alkalde ng Maynila si Isko who tried his luck during the presidential elections but lost.

Tututukan na lang daw ng dating matinee idol ang itinatag na media company as well as his son JD’s career.

Isko is cast in Darryl Yap’s Martyr or Murderer where he plays Ninoy Aquino.

Hindi pa man ay marami na ang nagtataas ng kilay sa pagkakapili ni Isko to portray the role considering na malayo ang agwat nila ng pinaslang na mambabatas. Ronnie Carrasco III