Condo unit na isinumbat ni Kuya Wil kay Cristy, walang dokumento!

Condo unit na isinumbat ni Kuya Wil kay Cristy, walang dokumento!

February 20, 2023 @ 4:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Comedy kung ilarawan ni Cristy Fermin ang scenario na may kinalaman sa condo unit na iniregalo sa kanya ni Willie Revillame bilang birthday gift noong 2017.

July 23 ang kaarawan ng batikang showbiz writer cum online anchor.

Bukod sa condo unit sa Wil Tower na pag-aari ni Willie ay binigyan din nito si Cristy ng sasakyan.

Kung matatandaan, naglitanya si Willie sa kanyang programang Wowowin sa AllTV kung saan sinumbatan niya ang binigyan niya ng sasakyan at condo unit sa pagsasabing mayabang siya.

The subject whose name Willie withheld turned out to be Cristy na rumesbak on her radio program the next day.

Bagama’t nagkaayos din sila ni Willie ay ipinangako ni Cristy na isosoli niya ang ibinigay na condo unit kahit pinagtrabahuhan daw niya ito.

As for the car ay naibenta na raw ito ni Cristy.

Nilinaw ni Cristy na minsan lang daw niya pinuntahan ang condo unit para lagyan ito ng mga muwebles at paintings.

Pero ipaaayos daw niya sa kanyang anak ang mga papeles nito para isoli kay Willie.

Kaso, natuklasan ni Cristy na wala pang kaukulang dokumento ang nasabing unit.

Paano raw niya isosoli ang isang property nang walang papeles?

Nakakatawa rin daw ang scenario dahil mula 2017 ay binabayaran ni Cristy ang monthly dues ng ari-ariang wala naman pala siyang pinanghahawakang papeles o proof of ownership nito.

Maganda lang palang pakinggan na meron nga siyang condo unit, pero walang dokumento.

Kung ganoon, bakit isinumbat? Ronnie Carrasco III