Condom libre sa mga kabataan sa France

Condom libre sa mga kabataan sa France

December 9, 2022 @ 10:54 AM 2 months ago


PARIS, France – Inanunsyo ni French President Emmanuel Macron nitong Huwebes, Disyembre 8 na libre na sa mga botika ang condom para sa mga kabataan edad 18-anyos hanggang 25-taong gulang.

Ito ay bilang tugon sa tumataas na bilang ng unwanted pregnancies sa mga kabataan sa nasabing bansa.

“It’s a small revolution for contraception,” ani Macron kasabay ng isang health debate sa harap ng mga kabataan sa Fontaine-le-Comte, sa western France.

Ang hakbang na ito ay makaraang magbigay din ang gobyerno ng libreng birth control sa lahat ng mga kababaihan 25-anyos pababa.

Sa ilalim ng naturang anunsyo, ang condom ay ire-reimburse na sa national healthcare system.

“We are not very good on this subject. The reality is very, very different from the theory. It’s an area where we need to much better educate our teachers”, dagdag pa ni Macron. RNT/JGC