Condonation ng farmer loans umusad na sa Kamara

Condonation ng farmer loans umusad na sa Kamara

January 25, 2023 @ 11:33 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang panukalang pagbibigay ng one-time condonation sa mga hindi pa nababayarang utang at interes ng mga magsasaka at mangingisda mula sa ibat ibang government agencies.

Layon ng House Bill 5702 o proposed Agrarian and Agricultural Loan Restructuring and Condonation Act na tanggalin na ang mga naunang pagkakautang upang mabigyan muli ang ito ng pagkakataon na makakuha ng ibang loan sa ibang credit facilities.

“Under the measure, all unpaid interests, penalties and surcharges of agricultural and agrarian loans secured by farmers, fisherfolk, agrarian reform beneficiaries, Cooperative Development Authority (CDA), CDA-registered cooperatives, agrarian reform beneficiary organizations and farmer organizations from the Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, People’s Credit and Finance Corp., National Food Authority and Quedan and Rural Credit Guarantee Corporation will be condoned upon the approval of the application of a qualified borrower”nakasaad sa panukala.

Nilinaw naman ng Kamara na ang loan condonation ay pasok lang para sa mga nangutang na nalugi dahil sa force majeure o pagbagsak ng merkado at hindi kasama dito ang intensyon talaga na hindi magbayad.

“The condonation of unpaid interests, penalties and surcharges from loans acquired through conduit banks , financial institutions and the agencies mentioned above shall be in conformity with the applicable general banking laws and regulations of the Bangko Sentral ng Pilipinas and the loans restructured under the proposed law shall be restored to good standing status upon three consecutive payments by the borrower” nakapaloob pa sa panukala.

Sa oras na maisabatas, ang mga nangutang na mabibigyan ng condonation ay iisyuhan ng sertipikasyon upang mapasama ang kanilang pangalan sa mga maaari na muling mag-avail ng loan.

Sa kanyang  State of the Nation Address (SONA) hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos ang Kongreso na magpasa ng batas para maibangon ang mga magsasaka sa kanilang mga pagkakautang, kasunud nito ay ang bagong pagkakataon na makapagsimula muli sa kanilang trabaho sa pamamagitan ng pagkuwalipika sa mga ito na makapagloan muli.

Naniniwala si Marcis na maraming magsasaka ang natigil sa kanilang trabaho dala ng malaking pagkakautang, sa oras na makabalik ito sa pagtatanim ay masosolusyunan ang problema sa food security. Gail Mendoza