Confidential, intel funds malaking tulong vs terorismo

Confidential, intel funds malaking tulong vs terorismo

November 22, 2022 @ 8:15 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakatulong ang confidential and intelligence funds (CIFs) sa gobyerno sa pagsugpo nito laban sa terorismo, sinabi ni Senador Robin Padilla nitong Lunes.

Si Padilla, na umamin na siya ay makakaliwa, ay nagsabing matagumpay ang gobyerno sa pakikipaglaban sa mga terorista.

“Ngayon, ako po ay naliligayahan sapagkat gusto kong ibalita sa ating mga kababayan na ngayon po napaka-successful, napakamatagumpay ng ating gobyerno sa pakikipaglaban sa mga terorista,” anang neophyte senator.

“Katunayan, itong intelligence at confidential fund na ito ay nakatulong po para linisin ang mga liblib na lugar ng mga terorista, ang mga tinatawag nating nananakot, nangingikil, nandiyan po lahat ‘yan,” aniya pa.

Nagpahayag ng suporta si Padilla sa pagbibigay ng mga iminungkahing CIF para sa mga opisina ng Pangulo at Pangalawang Pangulo, na P4.5 bilyon at P500 milyon, ayon sa pagkakabanggit.

Sa pagbanggit sa kanyang dokumentaryong Memoirs of a Teenage Rebel, sinabi ni Padilla na ang mga terorista ay nagre-recruit ng mga estudyante at dinadala sila sa kabundukan.

Dagdag pa niya, ang mga teroristang grupo ay tumatanggap ng bilyun-bilyong pisong pondo mula sa ibayong dagat.

“Papaano natin iyan lalabanan? Lalabanan po natin ‘yan kung meron din po tayong bilyon-bilyon na ibibigay natin sa intelligence and confidential fund,” ani Padilla.

Nilinaw ng neophyte lawmaker na hindi siya laban sa mga makakaliwa, ngunit tinututulan niya ang karahasan.

Pinagtibay ng Senado ang isang resolusyon na bumubuo ng oversight panel para sa mga CIF. Ito ay pinamumunuan ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Sa ilalim ng panukalang P5.268-trillion national budget para sa susunod na taon, P9.2 bilyon ang CIFs. RNT