Confidential, intel funds para sa DepEd, iba pa dinipensahan ng DBM chief

Confidential, intel funds para sa DepEd, iba pa dinipensahan ng DBM chief

October 6, 2022 @ 6:56 PM 6 months ago


MANILA, Philippines- Nanindigan si Department of Budget and Management (DBM) secretary Amenah Pangandaman nitong Huwebes na ang confidential at intelligence funds ng ilang government agencies ay suportado ng sapat na documentation at requirements.

Ipinaliwanag ni Pangandaman na may nakahandang plano ang mga ahensya at opisina na humirit ng surveillance funds.

“When they presented po the budget, when we prepared the budget, one of the things that we considered is whether they can really use the money and if they have plans for the money,” aniya.

“I’m not sure if I can divulge po, during the Cabinet it was also discussed, nadetalye po ng ating mahal na bise presidente kung saan po gagamitin itong mga tinatawag na intel and confidential funds, during that time everyone from the Cabinet agreed on it so we approved the request of the vice president,” paglalahad ni Pangandaman.

“Sorry lang po I cannot give the details kung saan gagamitin ang mga confidential and intel funds but definitely merong mga programa na associated sa intel funds na we provided,” dagdag niya.

Iginiit ni Pangandaman na hindi “politicized” ang budget.

“While it is lump sum in nature, before you can use it you have to submit sa COA kung ano ang nature ng mga projects or programs na paggagamitan ng funds,” sabi ni Pangandaman.

Samantala, nilinaw ni Pangandaman na hindi tinanggalan ng pondo ang Special Education Program for Learners with Special Needs ng DepEd.

Ipinaliwanag nito na bagama’t hindi ito nakakuha ng pondo sa 2023 budget, mayroon itong unused funds mula sa 2022 budget.

“We did not actually scrap it when we prepared the budget. We take into consideration a lot of factors and first and foremost is the utilization of the budget. If hindi po ito nagagamit plus the fact po the 2022 budget that was passed last year can still be used until 2023. I think they have enough funds,” sabi ni Pangandaman. RNT/SA