HOROSCOPE JUNE 29, 2022

June 29, 2022 @7:00 AM
Views:
18
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Malapit na ang iyong kaarawan kaya mag-iingat ka. Marami ang makikikain sa inyo, wala ka namang balak maghanda. Pero, don’t worry, ang mga kaanak, kaibigan mo ang maghahanda para sa iyo.
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Ikaw ay masosorpresa at labis kang magugulat. Sa wakas, magiging preggy na ang misis mo. Labis mo itong ikatutuwa dahil magiging daddy ka na. Ngayon pa lang, marami nang magpipresenta na magiging ninong at ninang dahil gusto nilang magkaroon ng inaanak na mala-future beauty queen.
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Ang magandang pagpapaliwanag ay makatutulong upang maalis ang topak ng iyong dyowa. Sa gayun ay hindi na siya magselos. Likas kasi sa iyong trabaho ang makipag-usap sa mga tsiks, este, mga kliyente. Para walang problema, isama mo siya sa appointment basta sagot niya ang pamasahe.
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Ilang mahahalagang bagay ang dapat ayusin sa madaling panahon. Bigyan din ng quality time ang iyong minamahal. Kasi, ipinagmamalaki ka niya sa kanyang mga kaibigan. Ang suliranin sa kakapusan sa pinansyal ay masosolusyunan kung ibebenta mo iyong bato, este ang nakatenggang dekorasyong batong kristal sa bahay n’yo. May bibili naman tiyak nito. Papabor sa iyo ang aspetong salapi.
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ang pagdating ng maraming biyaya ay dapat na ingatan. Ito ay dahil sa inaani mo na ang bunga ng iyong pinagpaguran. Gayunman, huwag mong ipagkalat o ipagmayabang kahit kanino dahil pagmumulan lang ito ng inggit. Hayaan mong mag-isip at magtanong sila kung ano ang diskarte mo kung bakit mo nakamit ang tagumpay.
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Hindi sa lahat ng sandali ay dapat kang masunod, lalo na sa araw na ito. Huwag kang papayag na ikaw ang bibili ng lunch n’yo sa office mula sa ambagan n’yong magkakaopisina. After 5 hours, ikaw na dapat ang masunod na ibigay na ang kokobrahin mo sa paluwagan. Ikaw ang huling sasahod at huwag nang sumali sa susunod.
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Maging positibo. Ang pananahimik ang magiging dahilan upang lumapit ang mga curious sa iyo. Ito rin ang magbibigay ng daan upang lumapit ang oportunidad sa iyo. Marami ang nahihiwagaan sa karakter mo dahil sa kabila ng iyong pananahimik, marami ka palang ibuguga at isang taong matalino.
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Isang kakilala ang magbibigay sa iyo ng lubos na isipin. Tungkol ito sa inaalok niyang extra income. Na bagama’t gusto mo ay nag-aalangan ka dahil ‘di mo alam ang nasabing pasakot-sikot sa gayung raket. Magbigay ka na lang ng puhunan bilang partner at siya na ang bahalang magpatakbo ng business n’yo.
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Magagamit ang kagandahan at talino sa haharaping proyekto. Makipag-usap at makipag-ayos sa isang kaibigang nakatampuhan dahil malaki ang maitutulong niya sa sinabakan mong proyekto. Hindi naman siya insecure sa iyo kaya ipi-push niyang magtagumpay ka. Dahil kapag nangyari iyon, kasama rin siya sa aangat ang pangalan at pag-uusapan ng mga tao.
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Makikita mo ang isang tao na matagal nang may atraso sa iyo. Gayunman, huwag mo siyang gagawan ng hindi maganda. Maghahatid ito ng suwerte sa iyo. Sa bandang huli, mapagtatanto mong isa pala siyang mabuting kaibigan. Kikilalanin niya ang iyong wagas na pagpapatawad.
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — May mga naghihintay sa iyong sorpresa na labis na magpapasaya sa iyo. Kaya, magpanggap ka kunwari na hindi mo pa alam na gayun ang gagawin nila. Para maging doble ang biyayang matatanggap mo mula sa mga taong nagmamahal sa iyo. Iwasan mo rin munang magtungo sa mall at baka mautangan ka pa ng ilang kaibigan mo.
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Hindi ka makaiiwas sa pagkakasakit sa susunod na araw. Pero, agad ding gagaling, mga 24 oras lang. Huwag kang sobrang subsob sa trabaho. Tapusin lamang ang tasks sa takdang oras at huwag masyadong advance. Maghahatid ng saya ang pagpasyal sa ilang kaibigan upang makipag-bonding.
2 DQ case ni PBBM binasura ng Korte Suprema

June 29, 2022 @7:00 AM
Views:
1
MANILA, Philippines – Pinanigan at kinilala ng Korte Suprema ang legalidad ng kandidatura ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. matapos na ibinasura ng tribunal nitong Martes ang mga petisyon na humihiling sa kanyang diskwalipikasyon.
Sa isang pahayag sa media sa pagtatapos ng regular na sesyon ng en banc, sinabi ng mataas na hukuman na nagdesisyon ito ng 13-0 na i-dismiss ang dalawang petisyon — G.R. No. 260374 (Fr. Christian B. Buenafe, et al. v. Commission on Elections, et al.) at G. R. No. 260426 (Bonifacio P. Ilagan, et al. v. Commission on Elections, et al.).
“The Court held that in the exercise of its power to decide the present controversy led them to no other conclusion but that respondent Marcos Jr. is qualified to run for and be elected to public office. Likewise, his COC (Certificate of Candidacy), being valid and in accord with the pertinent law, was rightfully upheld by the Comelec (Commission on Elections),” pasiya ng Supreme Court.
Hindi nakibahagi sa mga deliberasyon sina Associate Justices Antonio Kho at Henri Jean Paul Inting.
Si Kho ay dating Comelec commissioner habang ang kapatid ni Inting na si Socorro ay isang incumbent commissioner at ang acting chair hanggang ngayon.
Pinagtibay ng SC ruling ang mga resolusyon ng poll body, na may petsang Enero 17 at Mayo 10, na nag-dismiss sa mga petisyon laban kay Marcos dahil sa kawalan ng merito. RNT
Bagyong #CaloyPH magpapaulan sa Pinas

June 29, 2022 @6:45 AM
Views:
19
MANILA, Philippines – Ganap nang bagyo ang binabantayang low pressure are at pinangalanan ito ng PAGASA na bagyong Caloy.
Ang Tropical Depression Caloy ay patuloy na gumagalaw nang mabagal sa West Philippine Sea nitong Miyerkules at magpapalakas ng Southwest Monsoon (Habagat), dagdag pa ng PAGASA.
Bandang alas-3 ng madaling araw ng Miyerkules, namataan ang sentro ng Tropical Depression Caloy sa layong 395 kilometro kanluran ng Iba, Zambales na may lakas na hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometro bawat oras at mabagal na kumikilos pakanluran, iniulat ng PAGASA.
Sa susunod na 24 na oras, ang monsoon trough at ang southwest monsoon na pinahusay ni Caloy ay magdadala ng monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Ang Bataan, Zambales, Palawan, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Aurora at Quezon ay magkakaroon ng monsoon rains na dulot ng monsoon trough at southwest monsoon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa kalat-kalat hanggang sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas, at Zamboanga Peninsula ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa monsoon trough at southwest monsoon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.
Walang tropical cyclone wind signal ang kasalukuyang nakataas para kay Caloy ayon pa sa weather bureau.
Sumikat ang araw bandang 5:30 ng umaga at lulubog mamayang 6:29 ng gabi. RNT
Toni, bibida sa National Anthem ng Pinas sa inagurasyon ni Pres-elect BBM!

June 28, 2022 @8:00 PM
Views:
64
Manila, Philippines – It’s confirmed!
Ang TV host na si Toni Gonzaga na nga ang kakanta ng Philippine National Anthem sa inauguration ng President-elect Bongbong Marcos as the 17th president of the Philippines on June 30 sa National Museum.
Sabi pa sa report, si Chris Villonco naman ang kakanta ng inauguration song na “Pilipinas Kong Mahal” kasama ang Young Voices of the Philippines Choir.
Ayon pa kay Franz Imperial, member ng preparation committee, ang magaganap na inauguration ay solemn and simple.
“The program we have prepared is very solemn and simple. It would be very traditional dahil sabi nga ni BBM sa vlog niya, ‘hindi kami lilihis pa sa tradisyon,” sabi ni Fritz.
Ang oath-taking ni President-elect BBM ay ia-administer ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo. Joey Sarmiento
Angelu, goodbye na sa teleserye at pelikula!

June 28, 2022 @7:45 PM
Views:
63