Cong. Teves pumalag sa mga marites, ‘Wala ako sa Pinas’

Cong. Teves pumalag sa mga marites, ‘Wala ako sa Pinas’

March 6, 2023 @ 1:52 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pumalag si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves sa mga taong nagpaugong ng kanyang pangalan kamakailan kasunod ng insidenteng naganap sa nabanggit na probinsya.

Ani Teves, kasalukuyan siyang nasa ibang bansa para sa kanyang stem cell treatment.

ā€œMagandang umaga sa lahat ng aking mga palangga, sa ating mga kababayan, at sa lahat ng mga marites at epal dyan,” pagbabahagi niya sa isang Facebook post Lunes ng umaga, Marso 6.

ā€œPagpasensyahan niyo na na medyo natagalan itong medyo matagal niyo nang hinihintay. Alam ko ang daming gusto humingi ng reaksyon ko tungkol sa pangyayari sa aming probinsya sa Negros Oriental,ā€ dagdag pa niya, na pinatutungkulan ay ang nangyaring pagpatay kay Governor Roel Degamo nitong Sabado, Marso 4.

ā€œNa-delay lang ito ng konti dahil nasa abroad din ako dahil overdue na ang aking pagpapagamot, ang aming pagpapalagay ng aking stem cell. Eh ang doktor ko ay hindi bumalik so kailangan ko siyang puntahan,” paliwanag pa ni Teves.

ā€œAwa ng Diyos, tapos nanaman po. Eh kailangan din natin ng ating health dahil health is wealth,” pagtatapos nito. RNT/JGC