Construction Corp., ipinasara matapos tambakan ng basura ang Laguna Lake

Construction Corp., ipinasara matapos tambakan ng basura ang Laguna Lake

June 26, 2018 @ 3:48 PM 4 years ago


Taguig City – Sa ginanap na press conference sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) sa  C6 Road Brgy. Calzada Taguig City,  ipinaliwanag ni LLDA General Manager Jaime ”Joey” Medina na isinara nila ang IPM Construction and Development Corporation matapos umanong lumabag sa environmental laws, makaraang gawing tambakan ng basura ang malaking bahagi ng Laguna Lake na may lawak na 37 hectares.

Kuha ni Jun Mestica

Kuha ni Jun Mestica

Makikita sa larawan ang mga nakatambak pang ilang mga basura at mga heavy equipment na nasa loob ng compound.

 

 

Kuha ni Cesar Morales

Ipinakita ni General Manager Joey Medina ang mga iligal na pagtatapon ng basura ng IPM Contruction and Developtment Corp., at Level Up Contruction sa Laguna Lake.

Kuha ni Cesar Morales

Makikita rin ang mga truck, backhoe at ibang ibang gamit ng dalawang kompanya na gamit sa iligal na pagtatapon ng mga basura galing sa Metro Manila.