Construction process sa Navotas, pinadali

Construction process sa Navotas, pinadali

February 18, 2022 @ 2:12 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Para sa madali at mabilis na pagkuha ng kinakailangan na dokumento sa konstruction inilunsad ng lungsod ng Navotas ang construction one-stop shop.

PINANGUNAHAN nina Navotas Mayor Toby Tiangco, Congressman John Rey Tiangco kasama ang iba pang opisyal ng lungsod ang pagbabasbas at pagpapasinaya ng Construction One Stop Shop (COSS) na matatapusan sa 2nd floor ng Navotas City Hall. Jojo Rabulan

 

Pinangunahan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang isinagawang blessing at inauguration ng pasilidad kasama ang mga kawani ng city council at mga department heads.

Ang construction one-stop shop facility ay upang mapabilis ang pagproseso ng application at release of building permits at certificates of occupancy.

“We intend to provide our constituents with prompt and efficient service. With the establishment of the Construction One-Stop Shop, Navoteños need not go from one office to another to process their building permits and other construction documents”, ani Mayor Tiangco.

“It will save our people lots of time and effort because the COSS can facilitate application, evaluation, and release of permits and certificates”, dagdag pa ng alkalde.

Bawat representative sa iba’t-ibang departmento gaya ng office of City Assessor, City Treasurer, City Planning and Development, BFP–Navotas at 18 barangay ang nagsanay sa Operations of Building Permits and Certificates of Occupancy Systems sa pangunguna ni under Engineer Joselito Guevarra, National President ng Philippine Association of Building Officials.(R.A Marquez)