Construction worker, 1 iba pa timbog sa Ilocos Sur buy-bust

Construction worker, 1 iba pa timbog sa Ilocos Sur buy-bust

September 23, 2022 @ 7:23 AM 2 weeks ago


ILOCOS SUR – Swak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos maaresto sa magkahiwalay na anti-illegal drugs buy-bust operation na ikinasa ng mga otoridad sa lalawigang ito kahapon, Setyembre 22.

Pasado alas-dos ng hapon ng maaresto sa buy-bust operation sa Diversion Road sa Brgy. Calaoa-an, Candon City, Ilocos Sur ang suspek na si Jojo Campilla y Pacquing, 37, may asawa, construction worker, residente ng Brgy. Sabangan, Santiago, Ilocos Sur.

Tinatayang may timbang na 1.05 gramo at nagkakahalaga ng P7,800 ang hinihinalang shabu na nakumpiska ng mga otoridad sa naturang buy-bust operation.

Makalipas ang halos isang oras, naaresto naman sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Tamag, Vigan City, Ilocos Sur ang suspek na si Carlito Pablico y Apolto, 36, residente ng Brgy. Bahet, San Ildefonso, Ilocos Sur.

Ang mga otoridad ay nakakumpiska ng humigit-kumulang sa 0.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3,400 mula sa nasabing operasyon. Rolando S. Gamoso