Construction worker, arestado sa panggagahasa at pagnanakaw sa grade 9 student sa QC

Construction worker, arestado sa panggagahasa at pagnanakaw sa grade 9 student sa QC

July 11, 2018 @ 8:16 AM 5 years ago


 

Quezon City – Arestado ang isang construction worker matapos nitong gahasain at pagnakawan ang isang grade 9 student sa Quezon City.

Sa tulong ng CCTV footage, nakilala ang suspek na si Randy Depra, 46-anyos.

Ayon sa kuwento ng tiyahin ng biktima, 14-anyos, natutulog lang daw ang bata kahapon ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang tinitirhang bahay.

Tinutukan umano ng suspek ang bata sa sentido at may hawak pang patalim na cutter.

Sumunod nang hinawakan ng suspek ang biktima.

Nang sabihin ng bata na pulis ang kaniyang ama, dito na huminto ang suspek sa ginagawang kamanyakan sa bata.

Bago umalis ang suspek, ninakaw pa nito ang allowance ng bata na nagkakahalaga ng P300 at saka ito binusalan, ginapos at pinagbantaang papatayin siya.

Patuloy naman ang ginagawang follow up operation ng mga pulis sa naturang insidente.

“Kasi kinunan namin siya ng statement at ayun nga ang sinabi niya nung gabi na yun naghatid itong bata ng classmate niya sa daan at itong mga ito nag-inuman sa daan at parang kinat-call sila that is why nagmamadali itong bata umuwi,” sabi ni Masambong Police Station Superentendt Rodrigo Soriano.

Napag-alaman na dati nang may kasong frustrated murder and suspek at miyembro ng Sputnik gang. (Remate News Team)