Construction worker, huli sa manhunt ops sa Nueva Ecija

Construction worker, huli sa manhunt ops sa Nueva Ecija

March 31, 2022 @ 4:11 PM 3 months ago


NUEVA ECIJA – Isang 45-anyos na construction worker ang inaresto sa isang manhunt charlie operation sa Barangay Bungo, Gapan City, Nueva Ecija nitong Miyerkules, March 30.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Alexie A. Desamito, hepe ng Gapan City police station kay Nueva Ecija director, P/Col. Jess Mendez, kinilala ang suspek na si Joel Jimenez y Marceloaka Urban, may asawa at residente ng Barangay Sta Cruz.

Sa report ng pulisya, ganap na 9:30 kagabi nang magkasa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa nang Gapan City Police Station, 303rd RMFB3 at 1st PMFC (Provincial Mobile Force Company) 4th Maneuver Platoon.

Si Jimenez ay nasakote sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition (RA 10591) na inisyu sa Regional Trial Court Branch 35 sa Gapan City, Nueva Ecija noong February 22.

Nagtakda rin ang korte ng Php150,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya nito.

Nasa kustodiya na ng nasabing istasyon ng pulisya ang suspek. Elsa Navallo