Construction worker natagpuang patay sa irrigation canal

Construction worker natagpuang patay sa irrigation canal

September 12, 2022 @ 8:35 AM 3 weeks ago


ILOCOS SUR- Malamig na bangkay na ang isang construction worker nang matagpuan sa irrigation canal sa Brgy. Quinsoriano, Sta. Cruz ng lalawigang ito kahapon.

Kinilala ng Sta. Cruz Municipal Police Station ang biktima na si Froilan Barit y Bautista, may asawa, residente ng Brgy. Ronda, Sta. Lucia, Ilocos Sur.

Bandang alas-5:40 kahapon nang matagpuan ang biktima sa loob ng irrigation canal sa may Quinsoriano road.

Ang biktima ay nakitang nakalubog sa tubig, may bisekletang nakadagan, at may sugat sa ulo.

Sa pagtatanong ng mga awtoridad sa anak ng biktima, sinabi nito na noong September 10, bandang alas-5:45 ng hapon ay sinabi ng kanyang tatay na pupunta ito ng Quinsoriano, sa bahay ni Arnold Salgado, ang in-charge sa construction site na pinagtratrabahuan nito para makipag-inuman.

Nabatid na hindi na nakauwi ang biktima.

Hinihinalang na-lost control habang nagbibisekleta ang biktima dahil sa kalasingan kaya nahulog sa kanal, tumama ang ulo sa concrete edge ng kanal, nadaganan ng kanyang bisekleta at pagkatapos ay nalunod. Rolando S. Gamoso