Construction worker todas sa nakaparadang truck

Construction worker todas sa nakaparadang truck

March 19, 2023 @ 10:04 AM 5 days ago


ILOCOS SUR- Tigok ang isang construction worker matapos na aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa nakaparadang truck sa Brgy. Mabilbila Sur, Santa ng lalawigang ito kagabi, Marso 18.

Kinilala ng Santa Municipal Police Station ang driver ng Rusi motorcycle na si Demio Arellano y Odasco, 46, may asawa, residente ng naturang lugar.

Nakilala naman ang driver ng Howo truck w/ trailer na si Mario Buenaventura y De Vera, 46, may asawa, residente ng 550 Sitio 3 Pungo, Calumpit, Bulacan.

Base sa isinumiteng ulat ng Santa MPS sa Ilocos Sur PPO, ang Howo truck na nakaharap ng hilagang direksyon ay pansamantalang tumigil sa gilid ng kalsada na naka-on ang signal light o hazard lights.

Habang nakaparada ang truck, ang motorsiklo na patungong hilagang direksyon din ay aksidenteng bumangga sa likuran nito.

Ang driver ng motorsiklo ay nagtamo ng head injury at idineklarang dead on the spot ni Dr. Marilou Cardenas, MHO ng Santa, Ilocos Sur.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng truck.

Hinihinalang nasa impluwensiya ng alak ang driver ng motorsiklo nang mangyari ang aksidente. Rolando S. Gamoso